
Maria Aurora, Aurora – Agosto 7, 2025 — Isinagawa ng DILG Aurora Provincial Project Monitoring Team (PPMT), sa pakikipagtulungan ng mga lokal na opisyal, ang inspeksyon at pagsusuri sa progreso ng mga proyektong “Construction of Health Station” sa mga Barangay ng Debucao, Diome, at Florida sa bayan ng Maria Aurora, sa ilalim ng FY 2024 Local Government Support Fund – Support to Barangay Development Program (LGSF-SBDP).
Ang nasabing inspeksyon ay pinangunahan nina LGOO VI Mary Joyce T. Bautista, MLGOO ng Maria Aurora; Engr. III Rosanna C. Hernandez; at Engr. II Kenny Jean N. Iniwan ng DILG Aurora, kasama ang Project Implementing Team mula sa lokal na pamahalaan.
Sa isinagawang pagbisita, napag-alamang ang Health Station sa Brgy. Florida ay nasa huling yugto na ng konstruksyon, at tanging mga minor na trabaho na lamang ang natitira upang ito’y ganap na matapos. Samantala, ang mga proyekto sa Brgy. Debucao at Brgy. Diome ay nahuhuli sa itinakdang iskedyul, na may negatibong slippage na higit sa 15%.



Bilang tugon, pinayuhan ng PPMT ang LGU na magpadala ng paalaalang liham sa kontraktor upang mapabilis ang trabaho. Tinalakay rin ng grupo ang mga obserbasyon sa kinatawan ng kontraktor at pinaalalahanang sumunod sa itinakdang pambansang pamantayan at mga teknikal na espesipikasyon ng proyekto.

Matapos ang inspeksyon, isang exit conference ang isinagawa upang ihayag ang mga natuklasan at rekomendasyon sa mga pangunahing stakeholder ng lokal na pamahalaan. Layunin ng pagpupulong na matiyak ang maayos na implementasyon ng proyekto bago ito pormal na i-turn over sa mga end-user, upang masiguro ang kalidad, tibay, at pangmatagalang benepisyo ng mga pasilidad para sa mamamayan.
Ang proyektong ito ay bahagi ng patuloy na pagsusumikap ng pamahalaan na mapalapit ang serbisyong pangkalusugan sa mga malalayong komunidad at tiyaking walang barangay ang naiiwan sa kaunlaran.
--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Project: Construction of Health Station in Barangay Florida Phase 1
Location: Barangay Florida
National Subsidy: Php 2,500,000.00
Fund Source: FY 2024 LGSF-SBDP
Project Description: Construction of Two-Storey Health Station benefiting 2286 residents (functional ground floor using SBDP funds)
Road Length: N/A
Beneficiaries: 2286
Beneficiary Type: Residents (children, with comorbidities)
Project: Construction of Health Station in Barangay Diome Phase 1
Location: Barangay Diome
National Subsidy: Php 2,500,000.00
Fund Source: FY 2024 LGSF-SBDP
Project Description: Construction of Two-Storey Health Station benefiting 1061 residents (functional ground floor using SBDP funds)
Road Length: N/A
Beneficiaries: 1061
Beneficiary Type: Residents (children, with comorbidities)
Project: Construction of Health Station in Barangay Debucao Phase 1
Location: Barangay Debucao
National Subsidy: Php 2,500,000.00
Fund Source: FY 2024 LGSF-SBDP
Project Description: Construction of Two-Storey Health Station benefiting 1520 residents (functional ground floor using SBDP funds)
Road Length: N/A
Beneficiaries: 1520
Beneficiary Type: Residents (children, with comorbidities)
LEARN MORE: About DILG Programs for LGSF SUPPORT TO BARANGAY DEVELOPMENT PROGRAM (LGSF-SBDP)
#LGSF #SBDP #AboveAndBeyond #MatinoMahusayAtMaaasahan